• NATIONAL SITE
  • BRITISH COLUMBIA
  • SASKATCHEWAN
  • ALBERTA
  • MANITOBA
  • ONTARIO
  • QUEBEC
  • NEW BRUNSWICK
  • NOVA SCOTIA
  • PEI
  • NEWFOUNDLAND AND LABRADOR
  • YUKON
  • NUNAVUT
  • NORTHWEST TERRITORIES

Think BBQ. Think Turkey.

Get Grilling with Turkey

Iniisip mo ba ang barbecue season? Think Turkey. Ang Turkey ay masarap at nutritious. Mula sa kebabs hanggang sa breasts na spiced ayon sa timplang gusto mo, dalhin ang iyong grilling skill sa next level ngayon summer! I-swap ang Turkey sa ilan sa iyong mga paboritong BBQ recipes. I-grill, i-sizzle, i-sear, o lutong pinausukan man ang gawin mo, siguradong magiging crowd pleaser ito.

Tignan ang flavour-infused recipes para sa lahat ng iyong summer grilling needs.


		Turkey Adobo

Turkey Adobo


	Chipotle Mango Turkey Skewers

Chipotle Mango Turkey Skewers


		
		 Coconut Lime Grilled Turkey Noodle Bowl

Coconut Lime Grilled Turkey Noodle Bowl

Turkey Adobo

Serves: 8

Ingredients

  • 2 turkey breasts na may buto at binalatan (mga 1.5 – 2 lbs bawat isa)
  • ¼ tasang annatto seeds, o 2 Tbsp paprika nilagyan ng 1 tsp lemon zest
  • ½ tsp kulantro (coriander seeds)
  • 1 clove
  • ½ tasang orange juice
  • 1 tsp cumin
  • 1 tsp rubbed oregano
  • 1 tsp bawat isa ng asin at paminta
  • 3 cloves ng bawang, tinadtad nang pino
  • 1 lime, juiced

Cilantro Lime Dressing

  • dahon mula sa 4 na tangkay ng cilantro
  • 1 lime, zested at juiced
  • 1 tasang plain Greek yogurt

Para sa serving

  • 16 tortillas

Turkey Adobo

Directions

  1. Sa isang spice mill, gilingin ang annatto seeds (o paprika mixture), coriander seed at clove hanggang sa maging pinong powder; ilagay sa maliit na bowl at ihalo sa orange juice, cumin, oregano, asin, paminta, bawang at lime juice.
  2. Ibuhos ang mixture sa turkey breasts, takpan at i-refrigerate nang magdamag, o hanggang 24 na oras.
  3. I-preheat ang barbeque hanggang 250°.
  4. Alisin ang breasts mula sa marinade at ilagay ang mga ito sa barbeque, bone down. Lutuin nang mga 1 oras, o hanggang ang isang instant-read meat thermometer na ipinasok sa pinakamakapal na bahagi ng turkey breasts ay mag-register ng 165°. Alisin ang turkey mula sa barbeque at itabi.
  5. Samantala, hiwain nang pino ang cilantro leaves at ihalo sa Greek yogurt, lime zest at lime juice.
  6. Hiwain ang turkey breast nang manipis at i-serve sa tortillas na nilagyan ng yogurt sauce sa ibabaw.

Chipotle Mango Turkey Skewers

Serves: 6
Prep time: 15 mins
Cook time: 25 mins

Mga Sankgkap

  • 1 Tbsp canola oil
  • 1/4 tasang tinadtad na dilaw na sibuyas
  • 2 Tbsp tinadtad nang pino (minced) na bawang
  • 2 Tbsp tinadtad na chipotle na sili mula sa lata na nasa adobo sauce
  • 1 Tbsp ng adobo sauce (mula sa lata ng chipotles na nasa adobo sauce)
  • 1 1/2 tasang tinadtad na mangga (sariwa o frozen)r
  • 2 Tbsp apple cider vinegar
  • 2 Tbsp brown na asukal
  • 2 Tbsp Heinz chili sauce o ketchup
  • 1/8 tsp asin
  • Skewers, kahoy o metal
  • Lime wedges para sa paghahain, opsyonal

Chipotle Mango Turkey Skewers

Directions

  1. Hiwain ang turkey breast sa malalaking cubes. Ilipat sa zip top bag o sa plastic container na may takip. Ilagay sa fridge hanggang maluto ang sarsa.
  2. Painitin ang mantika sa isang medium saucepan sa medium heat at ilagay ang sibuyas. Igisa hanggang lumambot at maging translucent.
  3. Isama ang bawang, tinadtad na chipotle na sili, at adobo sauce at igisa hanggang maging mabango, mga 1 minuto.
  4. Isama ang mangga, apple cider vinegar, brown na asukal, chili sauce at asin.
  5. Hayaang mag-simmer at paminsan-minsan ay haluin. I-simmer ng mga 5 minuto.
  6. Alisin mula sa init at hayaang lumamig.
  7. Ilipat ang pinalamig na sarsa sa maliit na food processor o blender, at i-blend hanggang ang mga sangkap ay ganap na maghalo-halo nang mabuti.
  8. Ibuhos ang mga 2/3 ng mango chipotle sauce sa zip top bag kasama ng turkey cubes. Siguruhin na ang lahat ng turkey cubes ay natatakpan ng sarsa. Hayaang mababad (marinate) nang 3-4 na oras, o magdamag.
  9. Itusok ang turkey cubes sa mga skewer. Kung kahoy na mga skewer ang gamit mo, siguruhin na maibabad mo ang mga ito ng 30 minuto man lang bago magpatuloy.
  10. Painitin muna ang BBQ sa medium heat.
  11. I-grill ang turkey skewers ng 5 minuto, pagkatapos ay baligtarin. I-grill ng 5 minuto pa, pagkatapos ay baligtarin muli.
  12. Pahiran ang skewers ng nakareserbang sarsa makalipas ang 10 minuto, baligtarin muli nang minsan pa at pahiran muli ng sarsa.
  13. I-grill hanggang umabot ang turkey sa 165°F, mga 12-15 minuto.
  14. Alisin mula sa grill at hayaang manatili ng mga 5 minuto bago ihain.
  15. Ihain kasama ng lime wedges, kung gusto.

Coconut Lime Grilled Turkey Noodle Bowl

Serves: 6
Prep time: 15 mins
Cook time: 30 mins

Ingredients

Turkey Filet Marinade:
  • 2 lbs (mga 2 pakete) turkey breast filets
  • Grated zest mula sa 2 limes
  • Juice mula sa 2 limes
  • 2 - 3 tbsp sariwang ginadgad na luya
  • 3 cloves ng bawang, tinadtad nang pino
  • 2 tbsp siniksik na brown na asukal
  • 1 tsp asin
  • 1 - 14 oz na lata ng gata ng niyog
Peanut Coconut Milk Dressing:
  • 1/2 tasang peanut butter
  • 1/4 tasang tubig
  • 1/4 tasang gata ng niyog
  • 2 tbsp vegetable oil
  • 1 tbsp honey
  • 2 tbsp hoisin sauce
  • 1 clove ng bawang
  • Juice mula sa 1 lime
Noodle Bowl Toppings:
  • 1 - 225 g pakete ng rice stick noodles
  • 1/2 red pepper, hiniwa na parang hugis ng matchsticks (julienned)
  • 3 carrot, hiniwa na parang hugis ng matchsticks (julienned)
  • 1 tasang snap peas
  • 1 tasang julienned purple cabbage
  • 1 tasang tinadtad na pipino
  • 1/4 tasang tinadtad na berdeng sibuyas
  • 1/4 - 1/2 tasang tinadtad na peanuts
  • Bungkos ng sariwang mint
  • Bungkos ng sariwang cilantro
  • Hiniwang lime para sa garnish

Coconut Lime Grilled Turkey Noodle Bowl

Directions

Turkey Filet Marinade:
  1. Sa malaking bowl paghaluing magkakasama ang lime zest, lime juice, luya, bawang, asukal, asin at gata ng niyog. Haluin hanggang ang mga sangkap ay ganap na maghalo-halo nang mabuti.
  2. Idagdag ang mga turkey filets, siguruhing nakalubog ang mga ito.
  3. Ibabad (marinate) nang 4 - 12 oras. Pinakamainam ang overnight para sa maximum na lasa!
Peanut Coconut Milk Dressing:
  1. Gamit ang hand blender o food processor, pagsama-samahin ang lahat ng sangkap ng dressing, hanggang ang mga ito ay ganap na maghalo-halo nang mabuti at maging ma-krema.
Pagsasama-sama ng salad mo:
  1. Lutuin ang noodles mo ayon sa mga instructions sa pakete.
  2. Sa BBQ, i-grill ang ibinabad (marinated) mong turkey filets hanggang lutong-luto na ang mga ito (170 degrees).